Patay ang mahigit sa 100 katao habang nawawala naman ang 300 na karamihan ay mga migrant mula sa Libya matapos tumaob ang sinasakyan nilang bangka.
Ayon kay Stephen Ryan, tagapagsalita ng International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies, papunta sana sa Greece ang mga biktima ng lumubog sa kalagitnaan ng Mediterranean Sea.
Nasa 700 migrants ang sakay ng nasabing bangka ng ito ay lumubog malapit sa Greek Island ng Crete.
Umabot na sa 342 ang natagpuan habang may mga bangkay na rin ang natagpuan sa Libya na posibleng mula sa lumubog na bangka.
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: EUROPEAN PRESSPHOTO AGENCY