Pinasinayaan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lt. General Bartolome Vicente Bacarro ang pagsira sa mga nabawing armas sa headquarters ng 6th infantry division ng Philippine Army sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Ang pagwasak sa nasa 300 firearm at kagamitan na nasabat, nakumpiska at isinuko sa 6id sa Central Mindanao mula Enero hanggang Disyembre ng taong kasalukuyan ay bahagi ng demilitarization program upang hindi na mapakinabangan.
Pinuri naman ni Bacarro ang mga tropa ng 6id at sinabing mahalagang kontribusyon ang demilitarization ng mga naturang armas tungo sa mapayapang lipunan. - sa panunulat ni Hannah Oledan