Aabot pa sa mahigit 300 mga gusali sa main battle area ng bakbakan sa Marawi City ang hindi pa napapasok ng militar.
Ayon kay AFP o Armed Forces of the Philippines Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, ang mga nasabing gusali ay kailangan pang isailaim sa clearing operations para malinis mula sa mga terorista at pampasabog.
Sinabi pa ni Padilla, posibleng bumagal na ang kanilang pag-usad sa mga susunod na araw habang papalapit na sila sa pusod ng kuta ng mga kalaban.
Ito aniya ay dahil kailangang mag-ingat ng mga sundalo mula sa mga posibleng itinanim na IED o improvised explosive device at ang mga nakatagong miyembro ng Maute terror group.
Gayunman, tiniyak ni Padilla na bagamat wala silang maibigay na petsa ay malapit na nilang matapos ang giyera sa Marawi City.
By Krista de Dios / (Ulat ni Jonathan Andal)