Sumampa na sa tatlundaan (300) ang nasawi sa patuloy airstrike ng Syrian Armed Forces sa mga balwarte ng mga rebelde sa Eastern Ghouta Province, sa loob lamang ng tatlong araw.
Bagaman sinusubukan ng militar na bawiin ang nalalabing bahagi ng lalawigan mula sa kamay ng mga rebelde at terorista, hindi naiwasan na madamay ang daan-daang sibilyan dahil sa literal na pag-ulan ng bomba.
Dominado ang Eastern Ghouta ng Islamist faction na Jaysh Al-Islam pero may presensya ng Hayat Tahrir al-Sham na dating kaalyado ng Al-Qaeda.
Umaapela na ang International Red Cross ng karagdagang tulong para sa libu-libong apektado habang nananawagan na ang United Nations na itigil na ang pambobomba.
—-