Inihayag ng Bureau of Quarantine (BOQ) na hindi bababa sa 300 filipino traveler ang nagpositibo sa COVID-19 kada araw pagdating sa bansa.
Ayon kay BOQ deputy director Roberto Salvador Jr., mayroong humigit-kumulang 3,000 international arrivals sa Pilipinas araw-araw.
Dadag pa ni Salvador, na nagbukas na ng mas maraming isolation facility para ma-accommodate ang mga pasyenteng nagpositibo sa virus.
Samantala, sinabi ni deputy director, na mahigpit din nilang ipinapatupad ang quarantine protocols para sa mga taong darating sa bansa. —sa panulat ni Kim Gomez