Tinatayang 300 residente ng Barangay Payatas sa Quezon City ang nabakunahan laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) gamit ang Sinovac vaccine sa pamamagitan ng mobile vaccination clinics o ‘bakuna bus’.
Kabilang sa mga naserbisyuhan ng ‘bakuna bus’ ang mga residenteng nasa ilalim ng A1 hanggang A3 categories na nagparehistro sa kanilang barangay dahil sa kakulangan ng access sa online registration.
Nagpapasalamat naman ang mga nabakunahang residente dahil lumapit na sa kanila lalo’t hindi sila makapunta sa mga vaccination sites.
Ayon kay Dr. Diana Lacson, Payatas vaccine site supervisor, bahala na ang mobile vaccination clinics na magbakuna sa mga residenteng hirap na magtungo sa vaccination centers.