Isusumite ng pamahalaan ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitation sa The Hague ang isang 300-taong gulang na mapa ng bansa bilang ebidensya laban sa nine-dash-line claim ng China.
Ang nasabing mapa ay ginawa ni Jesuit Priest Pedro Murillo Velarde noong 1734 kung saan ipinapakitang bahagi ng teritoryo ng bansa ang Panacot Shoal na ngayo’y kilala bilang Panatag o Scarborough Shoal.
Rineserba ng kasalukuyang may-ari na si Filipino Businessman Mel Velarde ang kauna-unahang certified true copy para sa Malacañang at ipepresenta ito kay Pangulong Noynoy Aquino sa Hunyo 12 kasabay ng Araw ng Kalayaan ng bansa.
Samantala, nabili ng nasabing negosyante ang mapa mula sa isang British lord noong 2012 kung saan pina-auction ito at nakuha ni Mel Velarde sa halagang 170,500 pounds o P12,014,463.09 ang mapa noong Oktubre 2014.
Ito’y matapos siya kumbinsihin ng kanyang kaibigang si Supreme Court Justice Antonio Carpio na subukang bilhin ang itinuring ng hukom bilang Mother of All Philippine Maps.
By Kevyn Reyes