Bumubuhos ng tawag ngayon sa One Hospital Command Center na nagre-refer kung saan ang pinaka malapit na hospital na pupwedeng puntahan ng mga COVID-19 patient.
Ayon kay Treatment Czar Dr. Leopoldo Vega, mayroong average na 300 tawag kada araw na ang natatanggap ng command center.
Higit aniya itong mataas kumpara sa 66 na tawag kada araw tatlong linggo ang nakalilipas.
Ani Vega, maliban sa mga napupunong temporary treatment and monitoring facilities at hospital, sila rin ngayon na nasa operating coordination’s center ay nakakaranas din ng pagtaas ng kapasidad.
Sa ngayon aniya ay target nilang makapag-hire ng karagdagang IT at paramedical personnel para matugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga tumatawag.