Nasa tatlong libong (3,000) mga barangay sa buong bansa na dati nang ideklarang malinis na mula sa iligal na droga ang muling ibinalik sa drug affected status.
Batay ito sa isinagawang revalidation ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA kung saan kanilang natuklasan na mahigit kalahati ng limang libong (5,000) nalinis nang barangay sa bansa ang muling nakapagtala ng mga illegal drug activities.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, ito ang nangungunang dahilan kaya’t mabibigo aniya ang pamahalaan na gawing drug free ang Pilipinas sa taong 2022.
Dagdag ni Aquino, maituturing din itong dagok sa naunang target ng ahensya na malinis mula sa iligal na droga ang 7,000 mga barangay sa bansa noong nakaraang Disyembre.
—-