Tinawag na raw intelligence report ng Malakanyang ang balitang presensiya ng 3,000 mga Chinese soldiers sa bansa.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, kailangan na i-validate muna ng militar ang naturang ulat bago maglabas ng anomang pahayag ang gobyerno.
Aniya, hihintayin ng Malakanyang ang validation process na gagawin ng Armed Force of the Philippines (AFP) bago gumawa ng anomang aksyon.
Sa kabila nito, siniguro ni Panelo na laging nakahanda ang gobyerno pagdating sa mga isyung may kinalaman sa national interest at security.
Una nang nanawagan si Senador Panfilo Lacson na imbestigahan ng gobyerno ang balitang nasa 2,000 hanggang 3,000 mga miyembro ng liberation army ng China ang nasa Pilipinas para sa posibleng immersion report.