Mahigit 3,000 beds ang naidagdag sa mga health care facilities sa mga lugar na nasa ilalim ng NCR Plus Bubble para sa mga pasyenteng tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nasa kabuuang 3,156 na bed ang naidagdag sa mga ospital.
Nasa 164 ang beds na nasa intensive care unit (ICU), 2,222 regular beds para sa mga moderate at severe na COVID-19 case at 765 beds naman para sa mild at asymptomatic cases.
Dagdag ni Roque, maraming pribado, national at local government na mga ospital ang nagdagdag ng mga higaan para matugunan ang pagtaas ng bilang ng kaso ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.
Ang naturang hakbang ay isa sa kinokonsidera ng Inter-Agency Task Force (IATF) para isailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) sa NCR Plus. —sa panulat ni Rashid Locsin