Tiniyak ng konsulada ng Pilipinas na ligtas ang kalagayan ng mga Pilipino na nasa Maldives kasunod ng deklarasyon ng ‘state of emergency’ doon dahil sa ‘political crisis’.
Ayon kay Philippine Honorary Consul in Maldives Abdulla Salih, nananatiling ‘business as usual’ ang sitwasyon sa capital city nito na Male at sa buong Asian nation.
Wala din aniyang curfew na ipinatutupad at kalmado ang mga daan sa nasabing isla.
Maliban dito, nakabukas din ang mga tanggapan ng pamahalaan at walang naitatalang ano mang karahasan sa lugar.
Hinikayat naman ni Salih ang mga pinoy na makipag – ugnayan sa kanilang tanggapan sakaling magkaroon ng problema.
Tinatayang nasa halos 3,000 mga Overseas Filipino Worker (OFW) ang nasa Maldives at karamihan sa mga ito ay nagtatrabaho sa industriya ng turismo.