Mahigit 3,000 modernong jeep ang inaasahang papasada na sa susunod na tatlong buwan.
Ito ayon sa Department of Transportation o DOTr ay kaugnay sa public utility vehicle o PUV modernization program ng gobyerno.
Sa isinagawang paglagda sa memorandum of agremeent sa Land Transportation Office o LTO, nangako ang isang private transport supplier na makapag-deliver ng 20,000 bagong mga PUV kada taon habang tutulong naman ang isa pang supplier sa mga operator para sa proseso ng financing requirements.
Muling tiniyak ng gobyerno sa mga operator at driver na tutulungan sila ng gobyerno para makahanap ng panggastos para mapalitan na ang mga lumang jeep nila.
LTFRB
Wala na umanong dapat ireklamo ang mga jeepney operator at driver kaugnay sa PUV public utility vehicles modernization program.
Sinabi sa DWIZ ni LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada na naplantsa na nila lalo na ang makina na compliant sa nasabing programa.
Bukod pa rito ang aprubadong disensyo ng mga bagong jeep na papasada na sa susunod na tatlong buwan.
“Nakapasa na po ‘yan sa DTI, sa Philippine National Standards natin, nilagay na po doon yung specifications at depende na sa manufacturers how they will execute based on specifications, may mga parehong itsura pa rin pero compliant po siya, kaya hindi mo masasabing nagbago ang design depende po ‘yan sa local manufacturers, local ang gagawa, yung iba assembled.” Pahayag ni Lizada
—-