Department of Social Welfare and Development (DSWD), sisimulan ang implementasyon ng programa sa susunod na buwan hanggang sa Disyembre.
Kabilang sa mga lugar na unang makikinabang dito ang isang bayan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, isang bayan sa Caraga, isang bayan sa malayong bundok o isla at isa rin mula sa urban poor area.
Bibigyan ang mga benepisyaryo ng tap cards na may P3,000 halaga ng food credits na maaari lamang ipalit ng mga pagkain alinsunod sa rekomendasyon ng Food and Nutrition Research Institute.
Sa kadiwa center muna maaaring magpapalit ng pagkain ang mga benepisyaryo ng Food Stamp Program at kalauna’y maaari na rin sa mga malilit na tindahan hanggang sa malalaking grocery stores.