Hindi bababa sa tatlong libong (3,000) pamilya ang nawalan ng tirahan makaraan ang mahigit sampung (10) oras na sunog sa Parola Compound sa Tondo, Maynila.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog bago mag-aalas-10:00 kagabi sa Barangay 20, Zone 2 sa nabanggit na lugar na umabot sa Task Force Delta ang alarma.
Pito (7) katao ang nagtamo ng minor injury dahil sa nasabing sunog.
Tinatayang nasa anim (6) na milyong piso ang tinupok ng apoy.
Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog.
By Meann Tanbio | Report from Aya Yupangco (Patrol 5)