Pinigil ng mga otoridad sa Belgium ang cruise ship na lulan ang 3,000 katao.
Ayon kay Governor Carl Decaluwe ng West Flanders, hindi muna nila pinalalabas ang mga pasahero dahil dalawa rito ang nakaquarantine na matapos makasalamuha ang isang nagpositibo sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Sinabi ni Decaluwe na susuriin munang mabuti ng mga doktor ang mga pasahero bago magpasya kung papalabasin ang mga ito.
Ang cruise ship at Italian-flagged ship Aidamar ay dumating sa Zeebrugge Port sakay ang 2,500 pasahero at 640 crew members.