Halos tatlong libong (3,000) pasahero na ang stranded sa tatlong port sa Visayas at Mindanao dahil sa bagyong Basyang.
Ayon sa Philippine Coast Guard o PCG malaking bilang ng mga pasahero o 963 pasahero ang stranded sa Dumaguete City Port kung saan stranded din ang halos 400 rolling cargoes at 60 barko.
Stranded naman sa Bredco Port sa Bacolod City ang 263 pasahero, apat naput isang rolling cargoes at 8 barko.
Samantala sa Bucas Port sa Mindanao, stranded ang 248 pasahero, 37 rolling cargoes at 8 pang barko.
Ang iba pang bilang ng mga stranded passenger ay mula sa iba pang port sa Visayas at Mindanao kung ipinagbawal muna ang paglalayag dahil sa bagyong Basyang.
‘Cancelled flights’
Kanselado naman ang ilang biyahe ng eroplano ngayong araw na ito dahil sa bagyong Basyang.
Ayon sa Manila International Airport Authority o MIAA, kabilang sa kanselado ang PAL Express flights mula Maynila patungong Butuan at pabalik.
Pinayuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan kaagad sa airline company para sa kaukulang rebooking o refund ng kanilang pamasahe.
—-