Babakunahan kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) ng gobyerno ang nasa 3,000 Filipino migrant workers at 2,000 minimum wage income earners sa Labor Day.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, isinasapinal na ang listahan ng mga manggagawang mapapabilang sa makatatanggap ng bakuna kontra COVID-19.
Ang mga pangalan umano na mapapasama sa listahan ay mula sa rekomendasyon ng Overseas Filipino Workers (OFWs) associations, mga business establishments, Department of Trade and Industry (DTI) at Labor Unions.
Magiging prayoridad din aniya sa makakatanggap ng bakuna ang mga may edad nang manggagawa at iyong may comorbidities.
Ani Bello, humingi siya ng bakuna kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. at binigyan naman siya nito ng 5,000 COVID-19 vaccine.