Nagpakalat ng tatlong libong (3,000) pulis ang PNP o Philippine National Police sa Boracay para sa pagsisimula ngayon ng serye ng mga pulong kaugnay ng ASEAN o Association of Southeast Asian Nations Summit sa Abril at Nobyembre ng taong ito.
Ayon kay Supt. Gilbert Gorero, Spokesman ng Police Regional Office 6, standard operating procedure ang pagpapakalat ng libo-libong pulis lalo na’t mga dayuhan ang kanilang babantayan.
Hindi anya ito nangangahulugan na mayroong banta sa seguridad ng mga dayuhang kalahok sa serye ng mga pagpupulong para sa ASEAN Summit.
Bantay-sarado rin ng Philippine Navy ang karagatan sa paligid ng Boracay.
Magsisimula ngayong araw hanggang Pebrero 15 ang pulong ng ASEAN Intergovernmental Commission on Human Rights samantalang ang ASEAN Ministerial Meeting Retreat ay sa Pebrero 19 hanggang 20.
By Len Aguirre