Nasa 3000 pulis ang ipakakalat sa Maynila ng NCRPO sa harap ng inaashaang kilos protesta na ikakasa bukas ng libo libong militante para sa labor day.
Ayon kay NCRPO Chief, Police Director Oscar Albayalde, 2000 sa nasbaing bilang ay manggaling sa Manila Police District habang ang 1000 ay mula naman sa Regional Public Safety Battalion.
Bukod dito, mayroon din anyang naka stand by na 400 pulis.
Nasabihan na anya ang mga pulis na ipatuapd ang maximum tolerance bukas.
Nanawagan naman si Albayalde sa mga rallysta na wag manakit, wag manira ng gamit at wag mang-abala lalo na ng mga motorista.
Papayagan ang mga magkikilos protesta na magtipon tipon sa liwasang Bonifacio pero babawalan silang makalapit sa US Embassy sa Roxas Boulevard.
By: Jonathan Andal