Tinatayang nasa 3,000 pulis ang ipapakalat sa idaraos na 23rd Senior Officials Committee on ASEAN at 18th ASEAN Socio Cultural Meeting na gaganapin sa Tagaytay.
Ito ay para tiyakin ang seguridad ng mga delegado ng ASEAN events na magsisimula bukas hanggang Huwebes.
Kasabay nito, binuo rin ang Task Group Site Tagaytay para sa pagpapanatili ng kapayapaan sa naturang pagtitipon.
Kinabibilangan ito ng ibat ibang ahensya ng pamahalaan na magtutulong tulong para sa matagumpay na pagdaraos ng ASEAN events.
Mga pulis na nakatalaga para sa ASEAN hindi papayagang gumamit ng cellphone
Mahigpit na pagbabawalang gumamit ng cellphone o anumang gadget ang mga pulis na magbabantay para sa 31st ASEAN summit sa darating na Nobyembre.
Ayon kay Security Task Force Commander Director Napoleon Taas, layon nitong hindi madistract ang mga pulis sa kanilang trabahong magbantay ng security venue, ASEAN delegates at maging ang mga dadaanan ng mga delegado.
Sinabi ni Taas na maaari lamang mahawakan at magamit ng mga pulis ang kanilang cellphone kung sila ay naka-break o kung may kailangang agarang i-report sa kanilang mga commander.
Ang ASEAN Summit sa Nobyembre ay isang malaking pagtitipon na dadaluhan ng mga pinuno ng mga bansang kasapi ng ASEAN maging ang mga dialogue partners nito gaya ng Estados Unidos, Russia, Australia, China, India, Japan, New Zealand at South Korea.