Magpapakalat ng halos 3,000 tauhan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), bilang bahagi ng Oplan Kaluluwa na ipatutupad mula Oktubre 28 hanggang Nobyembre 2.
Ayon kay MMDA General Manager Thomas Orbos, kasama sa kanilang ide-deploy sa lansangan ang mga traffic enforcers, towing, clearing at clean-up crews.
Upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa Undas, nakatakda rin na mag-deploy ng mobile patrol units ang MMDA sa mga sementeryo, kasama ang mga pulis at medical teams.
By Katrina Valle | Allan Francisco (Patrol 25)