Aabot sa 30,000 guro sa bansa ang kinakailangang ngayon ng online English school na 51Talk.
Ayon kay Jack Huang, founder at chief executive officer ng 51Talk, nangangailangan sila ngayon ang mga English tutors para punan ang kakulangan sa 500,000 foreign English-language teachers sa China.
Sinabi ni Huang na walang mas tamang panahon kun’di ngayon para magturo ang mga Pinoy ng English online kasabay ng paglobo ng demand nito sa China.
Maaari umanong kumita ang mga teacher sa 51Talk ng hanggang P60,000.
Sinasabing ang 51Talk ang pinakamalaking online English education company na nagbibigay serbisyo sa China.