Magandang balita.
Tatlumpung libong (30,000) mga manggagawang Pilipino ang kinakailangan sa bansang New Zealand sa loob ng dalawang taon.
Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration o POEA, karamihan sa hinahanap ay mga skilled construction workers para sa iba’t ibang mga construction work para sa pagsasaaayos ng mga nasira ng lindol na tumama sa dito noong 2011.
Posibleng kumita ang mga mapipiling mangagawa ng higit sa P100,000 kada buwan.
Bukod sa suweldo, mayroon ding benepisyo ang mga manggagawa na libreng pabahay at maari pang madala ang kanilang pamilya sa New Zealand for migration.
Binigyang diin ng POEA na umiiral ang no placement fee policy sa mga manggagawang mapapaalis patungong New Zealand.
By Rianne Briones