Pinapasuyod na ni Pangulong Noynoy Aquino ang 300,000 establisyimento sa Metro Manila na posibleng peligro sa kaligtasan at buhay ng mga manggagawa.
Ito ang inihayag ni Pangulong Aquino upang hindi na maulit ang malagim na insidente sa Kentex Manufacturing Corporation na kumitil sa buhay ng 72 manggagawa nito sa Valenzuela.
Ayon sa pangulo, ang Bureau of Fire Protection ang mangunguna sa pag-i-inspeksyon para matukoy ang mga establisyimentong hindi sumusunod sa Fire Safety Code of the Philippines.
Gayunman, inamin ng pangulo na kulang ang mga inspector kaya’t kukuha sila ng karagdagan mula sa Philippine National Police para isailalim sa training.
By Aileen Taliping / Drew Nacino