Mahigit tatlongdaang libong (300,000) kabataan sa tatlong African countries ang makatatanggap ng kauna-unahan sa mundo na bakuna sa Malaria.
Ito ang inanunsyo ng World Health Organization (WHO).
Babakunahan ang mga batang may edad mula dalawang (2) taong gulang.
Ayon sa WHO, ang mga batang makatatanggap ng bakuna ay bibigyan ng proteksyon sa naturang sakit.
Pinaniniwalaan na ang naturang bakuna ay makapagsasalba ng maraming buhay ng mga kabataan.