Tinatayang Tatlundaang Libo katao ang dumagsa sa “DU31: one love, one nation thanksgiving party” ni President-elect Rodrigo Duterte sa Davao City.
Dakong ala Sais pa lamang ng umaga kahapon nang magsimulang dumagsa ang tao sa Crocodile Park.
Halos hindi mahulugang karayom ang mga tao sa venue na ilang oras nag-abang masaksihan lamang si Duterte.
Habang hinihintay ang pagdating ng outgoing Davao City Mayor, inaliw naman ang mga dumalo sa event ng mga performance ng iba’t ibang artist gaya nina Andrew E. at Jimmy Bondoc.
Mag-aalas nwebe naman kagabi nang dumating si Mayor Digong halos isang oras namang nagsalita sa entablado.
Kaugnay nito, matiwasay na naidaos ang thanksgiving party ni incoming President Rodrigo Duterte sa Davao City.
Hindi natinag ng malakas na ulan ang mga taga-suporta ni Duterte na nagtipun-tipon sa Crocodile Park sa MAA Diversion Road
Tinatayang aabot sa Tatlongdaang libo ang nagsidalo sa nasabing pagtitipon tampok ang ilang Lokal at National artists
Ayon naman sa Davao City Police Office, generally peaceful ang isinagawang aktibidad bagama’t marami silang nakumpiskang ipinagbabawal na mga bagay tulad ng kutsilyo, back pack, lighter at iba pa.
By: Drew Nacino / Jaymark Dagala