Inaasahang, papalo sa 300,000 katao ang dadalo at makikinig sa opening mass ng 51st International Eucharistic Congress na isasagawa sa Plaza Independencia Cebu ngayong alas 4:00 ng hapon.
Kaugnay nito, naka handa na ang 1,000 kapulisan na naka deploy sa mga kalsada, hotels, IEC Pavilion lalo na sa mga kalsada na nakapalibot sa Plaza Independencia para tiyakin ang seguridad ng mga delagado na nagmula pa sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ayon kay Chief Inspector David Señor, CCPO Police Community Relations Branch chief, maagang dumating ang augmentation force kahapon mula sa mga lalawigan ng Bohol, Cebu at Siquijor.
Samantala, humingi naman ng pasensya ang pamunuan ng Cebu City Transportation Office, kaugnay sa matinding trapiko na maaring maransan ng publiko dahil sa pagsasara ng ilang kalsada para sa IEC.
By: Mark Makalalad