Nag-rally ang nasa 300,000 residente ng Barcelona, Spain upang ipakita ang pagkontra sa paghiwalay ng rehiyon ng Catalonia sa Mainland Spain.
Ito ay kasunod ng pag-giit ng Catalonia na humiwalay sa Mainland na mariing kinokontra ng kapitolyo.
Dahil dito, nababalot sa krisis ang bansa at hati ang opinyon ng mga residente ng Spain at Catalonia sa isyu.
Bukod sa mga residente ng Barcelona, ilang bansa rin ang nagpahayag ng pagkontra sa deklarasyon ng Catalonia na humiwalay na sa Espanya kabilang dito ang Estados Unidos at Mexico.
—-