Mahigit tatlong daang libong (300,000) residente ng Marawi City ang nananatili sa mga evacuation centers o nakikitira sa kanilang mga kamag-anak, isang taon matapos ang atakihin ng mga terorista ang syudad.
Ayon kay Alberto Muyot, CEO ng Save the Children Philippines, mahigit animnapung libo (60,000) rito ay pawang mga bata na hindi nakapasok sa paaralan nitong nakaraang taon.
Sinabi ni Muyot na marami pa ring mga paaralan ang nagsisilbing evacuation centers at marami sa mga evacuees ay umaasa lamang sa tulong ng pamahalaan at iba pang grupo para sa kanilang ikabubuhay.
Upang makatulong sa kalagayan ng mga bata ng Marawi, naglaan ng dalawampu’t walong lugar ang Save the Children Philippines para sa pag-aaral ng mga bata at nakapagbigay na rin ng halos apat nalibong (4,000) school kits sa mga bata.
—-