Mahigit tatlong daang libong flying voters ang naisyuhan ng barangay certification para mag parehistrong botante kahit hindi ito botante ng isang barangay.
Ayon sa Commission on Election (COMELEC), nadiskubre ang masabing bilang mula sa walong lugar sa bansa.
Ibinunyag naman ni COMELEC Chairman George Garcia, isang Barangay Chairman sa Cagayan De Oro City ang nag siyu ng walong libong certficate para sa mga magpaparehistro kahit hindi naman ito residente ng nasabing barangay.
Nakakaalarma aniya ang ganitong akto dahil maaari nitong ilagay sa alanganin ang integridad ng 2025 elections at mga susunod na botoha.
Dahil dito, nag sagawa na ng aksyon ang nasabing insidente para hindi na maulit ang ganitong pangangalap ng botante para sa isang barangay.
Ang talamak na pagbibigay ng barangay certificates sa mga non-resident voters ay walang pinagkaiba sa dating gawi ng pagkakaroon ng “Flying voters” na nakarehistro sa mga lugar kung saan hindi sila legal na naninirahan dito.