NASABAT ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya ang mahigit P300,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa dalawang drug suspects sa Barangay Guilig, Mangaldan, Pangasinan.
Kinilala ni PDEA Pangasinan provincial officer Rechie Camacho ang mga suspek na si Ryan Christopher Lee, 37 taong gulang, at Mark Carlo Serrano, 33 taong gulang.
Maliban sa droga, nasabat din mula kay Lee ang isang baril na may bala at isang granada.
Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang mga naturang suspek.