Balik bansa ang 301Pinoy seamen mula sa Miami, USA.
Ang mga nasabing Pinoy na bumalik sa bansa sakay ng Qatar Airways flight ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ay mula sa mga cruise ships carnival legend, carnical pride, carnival fascination at carnival conquest.
Sinabi ng DFA na ang pinakahuling batch ng Pinoy seamen ay sumailalim sa medical protocol na ipinag utos ng Department of Health (DOH).
Sasailalim sa home quarantine ang mga Pinoy Seafarers batay na rin sa kautusan ng Bureau of Quarantine.