Nakabalik na ng bansa ang nasa 302 overseas Filipino workers (OFW) mula sa limang bansa matapos mag-apply ng repatriation dahil sa krisis na nararanasan bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang mga OFW na ito ay mula sa Singapore, Algeria, France, Germany, at Japan.
Nakauwi umano ang mga OFWs na ito sa pagtutulungan ng Embahada ng Pilipinas sa mga nasabing bansa at ng kani-kanilang agency.
Sasailalim sa 14-day quarantine ang naturang mga OFW sa isang hotel na binayaran ng kanilang employers o agency.
Umabot na sa 20,000 OFW ang nakauwi na ng bansa simula ng kumalat ang COVID-19 sa iba’t ibang panig ng bansa.