Inaprubahan na ng Commission on Higher Education o CHED ang hirit na tuition hike ng Tatlong daan at Apat na Private Universities and Colleges para sa Academic Year 2016-2017.
Alinsunod sa inaprubahan ng CHED, 43 pesos and 39 centavos per unit ang average tuition hike.
habang Ang iba pang school fees ay tumaas ng 5.41 percent o katumbas ng 115 Pesos and 58 centavos.
Ayon sa CHED, mas mababa ang figures na ito kumpara sa naaprubahan nila noong nakaraang taon.
By Meann Tanbio