Mahigit tatlong libo na ang nakiisa sa solidarity trial for vaccines ng World Health Organization (WHO) sa Pilipinas.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato De La Peña, pawang binakunahan ng first dose ng COVID-19 vaccine ang mga naturang partisipante.
Nasa pitundaan naman anya ang nakakumpleto na ng two-dose schedule habang patuloy ang bilang ng recruitment.
Kabilang sa trial sites ang Philippine General Hospital, Lung Center of the Philippines at Makati Medical Center.—sa panulat ni Drew Nacino