Aabot sa 30,000 doses ng COVID-19 vaccine ang inilaan ng gobyerno para sa persons deprived of liberty (PDLs) na nasa kustodiya ng Bureau of Corrections (BuCor).
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ipapamahagi ng National Vaccination Operations Center ang mga bakuna sa pitong prison facilities kabilang ang New Bilibid Prison.
Sinabi pa ng kalihim na magtatalaga naman ang BuCor ng mga vaccinator para dito.
Ang inilaang COVID-19 vaccines sa BuCor ay kasunod na rin ng hiling ni guevarra kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., na magkaloob ng bakuna sa mga PDL. —sa panulat ni Hya Ludivico