I-tinurn-over na ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO -Albay ang 30 Million Pesos cash assistance sa mga local government unit na apektado ng pag-a-alburoto ng Mayon Volcano.
Ini-release ang cash assistance ni PCSO-Albay Manager Nelly Loyola matapos ang Memorandum Of Agreement na nilagdaan sa pagitan ng ahensya at Albay Provincial Government at mga alkalde ng mga bayan at lungsod na apektado.
Ang mga apektadong lugar ay ang lungsod ng Legazpi, Ligao, Tabaco at mga bayan ng Malilipot, Bacacay, Santo Domingo, Daraga, Camalig at Guinobatan.
Ayon kay Mayon Crisis Manager Francis Tolentino, na sumaksi sa lagdaan, sa ilalim ng kasunduan ay gagamitin ang pondo para sa food, supplies, sanitation, health at iba pang pangangailangan ng libu-libong evacuee.
Magugunitang inihirit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang cash assistance sa P.C.S.O. upang pandagdag sa lumiliit na pondo ng mga Local Government Unit.
Posted by: Robert Eugenio