Binigyang kahalagahan ng Council for the Welfare of Children (CWC) ang pagdiriwang ng 30th National Children’s Month para sa mental health ng kabataan.
Ayon kay CWC Usec. Angelo Tapales, pinaka-vulnerable ang mga kabataan pagdating sa mental health issues kung saan may kaugnayan ito sa sitwasyon sa kani-kanilang bahay.
Batay sa datos, nasa tatlo hanggang limang bata ang nakararanas ng psychological, physical at sexual violence.
Nanawagan naman si Tapales na makipagtulungan ang publiko ngayong children’s month upang maprotektahan ang mga kabataan. —mula sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11) sa panulat ni Jenn Patrolla