Naka-ban ang 31 altela na maglaro sa 2016 Rio Olympics ngayong Agosto.
Ayon sa International Olympic Committee, ang mga atletang pinagbawalan nang maglaro ay mula sa anim na isport makaraang magpositibo ang mga ito sa drug test sa nakaraang 2008 Beijing Games.
Sinabi ng IOC na kanila na ring isasalang sa re-testing ang mga doping samples noong Sochi 2014 Winter Games.
Layon ng hakbang na ito na pigilan na ang pandaraya sa Olympics gamit ang performance enhancement drugs.
By Ralph Obina