Umabot sa tatlumpu’t isang deboto ng itim na Nazareno ang agarang nilapatan ng paunang lunas, matapos masugatan at himatayin sa isinagawang thanksgiving procession ng Quiapo Church sa lungsod ng Maynila, ngayong araw.
Ayon sa mga awtoridad, ilan sa mga deboto ang nagtamo ng mga minor injuries, habang ang iba ay nahilo dahil sa sakit na high blood.
Agad namang tinulungan ng mga medical teams na nakahimpil sa palibot ng Quiapo Church ang mga nasaktan na deboto ng Black Nazarene.
Base sa impormasyon, tatlong beses na inilalabas ang imahe ng itim na Nazareno sa loob ng isang taon para sa kanyang public veneration.
Kinabibilangan ang naturang tatlong araw ng January 9, Good Friday at December 31.