Hindi bababa sa tatlumpu’t isa (31) katao ang nasawi sa magkasunod na suicide bombing sa Nigeria.
Batay sa ulat ng Nigeria security officials, nangyari ang pagpapasabog sa bahagi ng Damboa sa Borno State kung saan tinarget nito ang mga nagsisi-uwian mula sa pagdiriwang ng Eid’l Ftr.
Sinasabi ring, nagpalipad ng mga rocket propelled grenades ang mga terorista.
Hinihinala namang kagagawan ng teroristang Boko Haram ang nasabing pag-atake.
—-