Patay ang 31 katao habang 18 katao ang sugatan sa pagkasunog ng isang bus sa Democratic Republic of Congo.
Ayon sa mga otoridad, mula ang bus sa Lufu na papunta sana sa Kinshasa nang magkaroon ito nang mawalan ito ng preno.
Dagdag naman ni Social Affairs Minister Steve Mbikayi, tumaob ang bus nang mawalan ng control ang driver at bigla na lang sumabog at nasunog.
Aniya, mayroong dalang produktong petrolyo ang mga sakay na siyang nagpalala sa sunog.
Dahil sa pangyayari ay kinansela ni Congolese President Felis Tshisekedi ang kaniyang biyahe papunta sa Japan at nag utos na ng imbestigasyon sa naturang insidente.