Sugatan ang 31 katao matapos mahulog sa tulay ang sinasakyan nilang mini bus sa ternate sa Cavite.
Ayon sa ternate rescue unit, galing sa swimming ang magkakaibigan at pauwi na sana nang mangyari ang aksidente.
Ang pagkawala ng preno ang dahilan ng aksidente kaya nahulog ito sa Capayas bridge.
Nasa kustodiya na ng mga pulis ang driver ng bus na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries.—sa panulat ni Abby Malanday