Nasa 31 lugar sa bansa ang nakitaan ng aktibong kaso ng African Swine Fever o ASF ayon sa Bureau of Animal Industry o BAI.
Sinabi ni BAI director Reildren Morales, hindi pa nareresolba ang mga kasong ito ng ASF dahil hindi pa natatapos ang surveillance sa mga lugar na ito.
Saad pa ni Morales, dumarami ang mga lugar na nagkakaroon ng ASF dahil napaka-resilient ng virus na ito.
Kaugnay nito, nakiusap si Morales sa mga hog raiser na paigitingin ang kanilang biosecurity upang maprotektahan ang mga alagang baboy laban sa virus.