Idineklara nang coronavirus disease 2019 (COVID-19)-free ang nasa 31 lugar sa lalawigan ng Cebu.
Batay sa impormasyon mula sa Integrated Provincial Health Office ng Cebu, kabilang sa mga deklarado nang COVID-19-free ang 30 munisipalidad at isang siyudad.
Ayon sa report, malaki ang naitulong ng istriktong pagsunod ng mga residente sa mga ipinatutupad na health protocols sa lalawigan.
Sa katunayan anila ay 52 sa 80 barangay sa Cebu City ang hindi na nakapagtatala ng mga bagong kaso ng COVID-19.
Una nang sinabi ni Cebu City Mayor Edgar Labella, 26 na barangay sa lungsod ang makatatanggap ng ini-alok niyang P100,000.
Ito ay matapos na hindi makapagtala ng bagong kaso ng COVID-19 mula nobyembre hanggang disyembre.