Nasagip ng mga operatiba ng Philippine Navy ang may 31 mangingisdang Pinoy sa bahagi ng Nares Bank na sakop ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ayon sa Naval Forces West, nakatanggap sila ng radio signal mula sa bangkang pangisda na F/B Espaňolada sa pangunguna ng kapitan nitong si Jofel Alipustain.
Batay naman sa salaysay ng kapitan ng FB Pauline 2 na si Placido Asusina, galing sila ng San Jose, Occidental Mindoro at naglalayag sila sa Nares Bank para mangisda.
Nabutas ang freeboard ng fishing vessel na FB Pauline 2 dahilan upang pasukin ng tubig dagat ang loob nitoagad siyang nagpadala ng distress call upang maalerto ang anumang bangkang nasa paligid nila.
Natanggap naman ito ng FB Española na siyang nagpaabot ng impromasyon sa mga tauhan ng Naval Force West kung saan, tumugon dito ang BRP Emilio Jacinto na siyang nagpapatrulya sa bahaging iyon ng karagatan.
Kasalukuyan nang nasa ligtas na kalagayan ang mga mangingisdang Pinoy kung saan, binigyan sila ng pagkain at maayos na tutulugan bago ihatid muli sa San Jose, Occidental Mindoro sakay ng barko ng Navy.