Isinailalim sa drug testing ang may 31 pulis na nauna nang pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot umano sa operasyon ng iligal na droga.
Ito’y bilang pagtugon sa utos ng pangulo na mag-report kay PNP Chief Dir/Gen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa loob ng 24 na oras.
Ayon kay C/Supt. Leo Angelo Leuterio, acting director ng PNP Internal Affairs Service, agad dumiretso ang mga naturang pulis sa kanilang tanggapan para isailalim sa imbestigasyon.
Inirekomenda rin ni Leuterio na disarmahan ang mga nasabing pulis gayundin ang pagsususpinde sa lisensya ng kanilang mga personal na armas.
Giit ni Leuterio, hindi uuwi ang mga naturang pulis hangga’t hindi natatapos ang kanilang isinasagawang imbestigasyon at kasalukuyan silang mananatili sa holding unit ng PNP.
By Jaymark Dagala | Jonathan Andal (Patrol 31)