Aabot sa 31% ng mga pilipino ang nagsabing humirap ang kanilang pamumuhay sa nakalipas na isang taon.
Batay ito sa survey ng Social Weather Stations mula Hunyo bente-sais hanggang bente-nueve ngayong taon.
Sa naturang survey, 29% naman ang nasabing naging maayos ang kanilang pamumuhay at 39% ang nagsabing walang pinagkaiba noong 2021.
Nagmula sa Metro Manila at Luzon ang mayorya ng nagsabing humirap ang kanilang pamumuhay, mula naman sa Mindanao at Visayas ang nagsabing walang nagbago.
Tinanong sa naturang survey ang nasa 1,500 respondents na pawang edad disi-otso pataas sa pamamagitan ng face-to-face interview.