Patay ang 31 habang sugatan naman ang pito pang indibidwal sa naganap na stampede sa isang simbahan sa Southern Nigeria.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, nagsasagawa ng charity event sa nasabing lugar kung saan, nagkaroon ng “Shop for Free” program.
Dumagsa ang aabot sa 80M katao na sinasabing naninirahan din sa nabanggit na lugar.
Kabilang sa mga nasawi ang limang bata at isang buntis na agad ding dinala ng mga otoridad sa Morgue para sa maayos na libing.
Sa ngayon, nagluluksa ang mga kamag-anak ng biktima habang patuloy na ginagamot ng mga emergency worker at doctors ang iba pang biktima na nakaligtas sa naganap na stampede.
Samantala, iniimbestigahan na ng mga otoridad ang insidente kasabay ng pagpapahinto sa naturang event.